(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Kuwento ng Paglago: Mula Kapwa Probee Patungong Regular

By: Justine Turado
DK
Published: February 22, 2026 | 48 views
Share
Noong June 2017 ako nag-umpisa bilang isang empleyado ng Pandayan Superstore Inc. Sa halos siyam na taon ko rito, masasabi kong marami akong natutunan—hindi lamang sa mga gawain sa trabaho, kundi pati na rin sa pagbuo ng aking pagkatao at pagiging isang mabuting empleyado.   Balik-tanaw noong ako ay nag-uumpisa pa lamang bilang isang Kapwa Probee, isa sa hindi ko malilimutang pangyayari ay noong unang beses kong masilayan ang ating mga Boss. Binati ko sila ng “Mabuhay po.” Nanibago ako sa mga oras na iyon dahil hindi ko akalain na babatiin din nila ako pabalik. Sa pagkakataong iyon, naramdaman ko na iba ang ating mga Boss kumpara sa ibang kompanya kung saan madalas ay hindi pinapansin ang mga nasa mababang posisyon. Dahil sa karanasang ito, hinangad kong maging isang Kapwa Regular. Naramdaman ko na ang kompanyang ito ay mayroong tunay na malasakit at pantay ang pagtrato sa bawat isa, anuman ang iyong posisyon.   Lumipas ang ilang linggo at naranasan ko naman ang “Kawan Meeting.” Hindi ko akalain na ang pagpupulong na ito ay may kaakibat na mga aral na magagamit ko sa aking sarili at sa trabaho. Ang mga karanasang ito ang lalong nagpalalim sa aking hangarin na maging bahagi ng Kawan ng Pagtanggap.   Makalipas ang ilang buwan, nakatanggap ako ng magandang balita mula sa aking pinuno na ako ay “Running for Regular.” Lubos ang aking saya at lalo kong ipinamalas ang aking husay sa pagtatrabaho. Sa bandang huli, nagbunga ang lahat at ako ay hinirang na bilang isa sa mga Kapwa Regular ng Pandayan Superstore Inc.   Sa ngayon, siyam na taon na akong nagsisilbi. Samu’t sari na ang aking karanasan, hindi lamang sa trabaho kundi pati na rin sa mga Kapwa na nakakasama ko araw-araw. Lubos ang aking pasasalamat, lalo na sa Cabochan Family, para sa oportunidad na ito na hinding-hindi ko malilimutan. Masasabi kong "sobrang worth it" ng siyam na taon ko ng pagseserbisyo sa kompanyang ito.   #Samalikha #LakbayDiwa

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.