Gusto kong pasayahin ang tao,
Hindi sa sapilitan o pinipili lamang,
Kundi sa ngiting taos sa puso
At salitang may lambing at respeto.
Ako man ay ordinaryong tao.
Hindi mayaman o tanyag sa lahat
Nqunit sa pusong naqmamalasakit,
Maaari kong aliwin ang sinuman sa daan
Sa bawat araw na aking haharapin,
Pagod man sila, nais kong pagaanin.
Isang ngiti na may pagbating "Mabuhay po'
Maaaring maging liwanag ng kanilang daan.
Kahit ako'y isang karaniwang empleyado,
Puso ako'y handang magbigay-inspirasyon.
Dahil ang kaligayahang ibinibigay sa kapwa,
Bumabalik din sa aking kaluluwa.


