(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Annual Medical Check-up

By: Jericho Pille
DK
Published: February 17, 2026 | 35 views
Share
Mahal na mahal ng Pandayan ang mga Kapwa empleyado nito. Napakahalaga ng kalusugan ng bawat isa upang mapanatiling masiglang naglilingkod sa ating mga mahal na panauhin. Bilang bagong regular ay malaking bagay sa akin ang ginawang annual medical check-up kamakailan. Dahil dito ay masisiguro kong malayo ako sa kahit na ano mang uri ng karamdaman at nasisiguro kong ako ay malusog sa lahat oras.   Napakagandang benepisyo nito. Hindi lamang para sa akin pati na rin sa aking pamilya. Sa pamamagitan nito ay malalaman ng mga kapwa kung sila ay may karamdaman. Agad nilang masasabihan at maabisuhan ang kanilang pamilya upang makapag-ingat din sila. Malaking tulong din ito upang mas lalong magkaroon ng kamalayan ang isang kapwa sa kaniyang kalusugan at maalagaan ng maayos ang kanyang sarili. Makakain ng masustansiyang mga pagkain at makaiwas sa mga pagkain o mga gawain na maaring makaapekto sa kaniyang kalusugan.   Ang kapabayaan sa kalusugan ay maari maging daan upang mapabayaan ang ating hanapbuhay, at maaring maging dahilan ng pagkakapos sa pera na pinagkukunan natin para sa pang araw-araw nating mga gastusin. Labis-labis ang aking pasasalamat sa Pandayan dahil may mga ganitong mga benepisyo sa mga Kapwa Regular. Isang kompanyang lubos na nagmamahal sa kanyang mga nasasakupan at iniisip palagi, hindi lamang ang kapakanan pati na rin ang maayos na kalusugan.   #Samalikha #KapwaCompany

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.