Published: February 23, 2026
| 52 views
Sabi ni Boss JVC noong GPP sa Laguna, patuloy ang pagbabago sa Pandayan Bookshop. Isang mahalagang bahagi nito ay ang bagong slide sa Kultura ng Tagumpay na makikita sa slide 3 ng powerpoint presentation, na may pamagat na "Buhay Panday."
Ayon kay Boss, tatlo lamang ang elemento ng Kapwa Factor dati: ang pagpapakatao, pakikipagkapwa-tao, at pagkamakatao. Ngunit ngayon, sa ilalim ng Buhay-Panday, apat na ito dahil idinagdag ang pagkaespiritwal.
Ipinaliwanag ni Boss na ang pagkaespiritwal ay mahirap ipaliwanag dahil hindi ito nakikita pero nararamdaman. Ang naging halimbawa niya rito ay ang pagmamahal—minamahal mo ang isang tao hindi dahil sa panlabas na anyo, kundi dahil sa kung sino siya at kung ano ang kanyang tunay na pagkatao.
Habang pinapanood ko muli ang video ng talk ni Boss Jun, naisip ko na sila mismo ang halimbawa nito. Hindi tayo kilala ni Boss at ng kanyang buong pamilya nang personal, pero minamahal nila tayo. Hindi lamang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng hanapbuhay, kundi sa paggabay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay gamit ang Kultura ng Tagumpay.
Ang kulturang ito ay hindi lamang pinag-isipan para protektahan ang negosyo, kundi upang protektahan din tayong mga Kapwa. Ginawa ito para tayo ay magkaroon ng kaayusan, layunin, at higit sa lahat, magandang relasyon sa isa’t isa.
Higit pa itong pinaganda ng Buhay-Panday dahil sa aspeto ng pagkaespiritwal. Hindi lamang ito mga patakaran at istruktura; ito ay isang gabay na magpapala sa bawat Kapwa. Kung uunawain nating maigi ang benepisyo ng Kultura ng Tagumpay, maiisip natin na ang bawat Kapwa ay palaging mas mahalaga sa kumpanya kaysa sa mga patakaran.
Dahil dito, palagi nating maaalala na gumawa ng mabuti kahit sino pa ang makasalamuha natin. Ito ay para sa ating sarili upang magkaroon tayo ng kaayusan at kapayapaan sa ating buhay araw-araw, sa halip na kaguluhan.
#Samalikha #IsipPanday #LakbayDiwa