Published: February 14, 2026
| 43 views
May mga gawain talaga sa tindahan na hindi pwedeng iasa sa probee o kaya naman kailangan talaga ng palagiang gabay. Ilan lamang ito sa mga aral na tumatatak sa akin habang nag-aayos ng lamanloob. Ilang batch na rin ng probee ang nagdaan ang naging katuwang ko sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa lamanloob. Mayroon naman nagkukusa, mayroon din sa mga una o sumunod lang na araw at mayroon din na kapag pinasuyuan mo lang nang araw na iyon.
Ayos lang naman kasi tungkulin ko talaga ito bilang ASE, ang pagpapanatili ng kaayusan ng lamanloob. Ang nakalulungkot lang ay ang hindi responsableng paggamit nito kahit kakaayos lang. Basta lang kukuha ng mga item nila. Hindi ibabalik ng maayos ang item/store use na ginamit at ibabasket na lang kapag hindi kayang idisplay. Madali lang naman sana ito ipasuyo ng paulit-ulit. Ang mahirap lang na bahagi ay ang pagpapaunawa sa bawat kapwa na kaisa ang lahat sa layuning mapanatili ang kaayusan nito.
Ang pagkukusa at pagturing na sarili natin ang mga panindang hawak natin ay minsang sumasalamin sa kung gaano natin kamahal ang trabaho. Bagamat walang perpektong gawain ay naroon dapat ang kagustuhan na unti-unti itong mabago dahil totoong mas magaan magtrabaho kapag maaliwalas ang ginagalawan natin. Sikapin nawa natin isapuso ang mga gawaing kahit hindi naitalaga sa atin dahil mas marami tayong matutunan dito.
#Samalikha #IsipPanday