Published: March 7, 2026
| 27 views
Tulad ng naikuwento ni Boss JVC kung paano sila nakilala sa Tuguegarao airport, na sa kanilang ID ay nakilalang taga-Pandayan. Marahil ang mga security ay nagkaroon ng magandang karanasan sa isa sa ating sangay.
Naalala ko ang aking karanasan tungkol sa pagkakakilanlan ni Pandayan noong ako’y nasa BIR upang magpasa ng ITR; hindi ako sa ID o sa pangalan nakilala, ngunit sa suot kong uniporme. Nang makita pa lamang ako ng isa sa kanilang empleyado na nagre-receive ng mga Annex C, agad ito nagbanggit na, “Andyan na si Pandayan.” Hindi na rin ako pinaghintay sa pila dahil kinuha na agad nito ang mga dala kong requirements para sa ITR; hinintay ko na lamang sila na matapos i-check ang mga dala ko. Nang matapos sila at inabot na sa akin ang receiving copy, nakipagkwentuhan pa sa akin ng kaunti. Sa kaniyang pagkukwento ay nabanggit niya na namimili sila sa Pandayan Caloocan.
Sa iniwan na tanong ni Boss JVC kung gaano kaganda sa Pandayan? Sa aking pananaw, isa sa nagpapaganda sa Pandayan ay ang kultura na mayroon tayo sa Pandayan, na dala-dala natin saan man tayo mapunta. Ang tumatatak sa mga panauhin ay ang mabuting gawa at kultura na nagbibigay sa kanila ng saya sa kanilang paglabas ng tindahan.
#Samalikha #TatakPandayan