(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Simbolo ng Pag-asa

By: Renzel Laygo
Roxas Mindoro
Published: November 2, 2025 | 138 views
Share
Makalipas ang ilang buwan mula nang aming ipaskil ang Good Governance Board sa bungad ng aming tindahan, napansin naming dumarami ang taong tumitigil upang basahin ito. Araw-araw ay may mga panauhin kaming nakakakita at inuusisa ang mga nakasulat dito. Ang ilan ay mga kabataan na-curious kung ano ang nilalaman nito. Nakakatuwang isipin na kahit ang mga bata ay interesado na sa mga prinsipyo ng katapatan, malasakit, at paglilingkod. May mga matatanda rin na napapahinto upang basahin at sinasabing nakakagaan ito ng loob, lalo na sa panahong tila nawawala na ang tiwala ng tao sa pamahalaan.   Hindi lang mga mamamayan ang napapaisip. Maging ang mga bagong halal na opisyal sa aming lugar ay natutuwa dito. May ilan pa nga na nagsabing inspirasyon nila ang board na ito upang mas gampanan nila nang tapat ang kanilang tungkulin. Dito namin napagtanto na ang pagpapakita ng mabuting halimbawa, gaano man ito kaliit, ay may kakayahang makaapekto sa mas nakararami.   Ang ating Good Governance Board ay hindi lang simpleng karatula na may mga nakasulat. Isa itong simbolo ng pag-asa. Isang paalala na ang kabutihan at tapat na paglilingkod ay hindi naluluma at laging may puwang sa ating lipunan. At kung bawat isa sa atin ay gagawa ng maliit na hakbang tungo sa pagbabago, tiyak na darating din ang mas maayos na kinabukasan.   #Samalikha #KapwaCommunity

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.