Published: October 30, 2025
| 115 views
Ang mabigyan ng papuri at pagkilala ng mga paaralan ang Pandayan Bookshop ay nakakataba ng puso bilang isang kapwa Panday. Dahil hindi lang puro trabaho ang ginagawa ng mga kapwa Panday, kundi tumutulong din tayo sa mga paaralan na magbigay saya. Nitong nakaraang araw lamang, itinuro naman natin sa mga kabataan kung paano ang tamang pagtatanim ng mga puno at gulay.
Sa ganitong paraan, hindi lang sila natututong magtanim at kumain ng gulay, kundi natututo rin ang mga kabataan na maging responsable dahil sa pangangalaga nila sa kanilang mga itinanim na puno at gulay.
Masayang magtrabaho sa Pandayan dahil sa Pandayan, nagtatrabaho tayo nang may kabuluhan.
#Samalikha #KapwaCompany #LakbayDiwa