(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Magandang Benepisyo ng Pandayan

By: Chrisanta Silva
Tarlac
Published: November 20, 2025 | 127 views
Share
Sa aking pagkakaregular noong nakaraang taon sobrang nadama ko na ang swerte ko at naging regular ako na empleyado ng isang kompanya na may malasakit at pagmamahal sa kanyang empleyado na kung saan ito ay ang Pandayan Bookshop. Sa magandang benepisyo na aking natatanggap tulad na lamang ng incentive kada buwan. Ito ay isang malaking bagay bilang karagdagan sa nagiging sahod ko at karagdagan na rin sa pera na aking binabahagi para sa aming pamilya.   Ang mga pagkain na hindi ko nabibili noon at restaurant na hindi namin napupuntahan dahil sa salat kami sa pera, ito ay unti-unti ko ng naibibigay sa aking pamilya. Ngayon ay madalas na kami kumain sa restaurant at nakakaya ko na silang ilibre sa mga pagkain na kanilang gusto. Bilang pambawi na rin sa kanila dahil kung hindi dahil sa pagsusumikap na binahagi nila sa akin ay hindi ko makakamit ang trabaho na aking minamahal ngayon. Hindi lang trabaho ang ginagawa mo dahil binubuo mo rin ang sarili mong kwento ng tagumpay.   #Samalikha #KapwaCompany

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.