Published: November 19, 2025
| 130 views
Nagkaroon kami ng Gulayan sa Paaralan sa San Francisco Elementary School, ngunit bago namin maisakatuparan ito, lumapit muna kami sa Department of Agriculture para sa mga seedlings na maaaring ibigay sa mga mag-aaral at nakakuha naman tayo ng 1 kilong binhi ng okra. Sinubukan din naming lumapit sa DENR para humingi ng mga seedling ng fruit and berry at nakahingi rin kami ng 50 piraso.
Sa aming pagdating sa San Francisco Elementary School, kita na namin agad ang sabik ng mga bata dahil nakahanda na sila sa kanilang silid-paaralan. Nilahukan ng 69 na mag-aaral ang ating Gulayan sa Paaralan mula Grade 5 hanggang Grade 6. Ramdam ang tuwa at excitement ng mga bata habang nagdaraos kami ng aming pagtuturo sa kanila. Sa aming actual na pagtatanim, nakita namin kung gaano katutuwa ang mga bata sa pagtatanim, kahit madumi na ang kanilang mga kamay. Tuwang-tuwa rin ang mga guro sa San Francisco Elementary sa ating ginawang Gulayan sa Paaralan at labis ang kanilang pasasalamat dahil isa ang kanilang paaralan ang napili.
Sa huli, ang bawat tulong na ating ibinibigay sa paaralan, maging sa pagtatanim, paglilinis, o pagsuporta sa kapwa mag-aaral ay hindi lamang isang gawain. Ito ay isang patunay ng ating pagmamalasakit sa lugar na humubog sa ating kaalaman at pagkatao.
Sama-sama nating patunayan na ang maliliit na hakbang ay maaaring magdulot ng malaking pagbabago. Dahil ang tunay na diwa ng pagtulong ay hindi nasusukat sa laki ng ginawa, kundi sa tibay ng ating pagkakaisa at sa init ng ating puso para sa kapakanan ng lahat. Magsilbi tayong inspirasyon sa isa’t isa, at patuloy na pagyamanin ang ating paaralan isang komunidad na puno ng pag-asa at pagmamahal.
#Samalikha #KapwaCommunity