Proactive na Kapwa
Bilang isang empleyado ng isang lumalagong kumpanya maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang proactive na empleyado? Ano nga ba at paano nga ba maging proactive? Ang proactive na Kapwa ay isang empleyado na nag-iisip nang maaga. Kapag lumitaw ang isang problema, ang mga aktibong tao ay naghahanap ng solusyon sa halip na naghihintay ng direksyon. Malaking tulong ang pagkakaroon GE at SE na alam mo na proactive. sa katangian nilang ganito ay nagkakaroon ng domino effect na kung saan ay hawahan ng katangian. Kung ang GE ay nagtataglay ng pagiging proactive mahahawa niya ang kanyang mga SE at ang mga SE ay mahahawa naman ang nasasakupan niya sa loob ng tindahan.
Paano nga ba makakabuo ng isang proactive na Kopon? Ito ang ilan lamang sa aking personal na pananaw o ang napapansin ko sa aming Kopon.
1. Bumubuo o sinusundan ang Kultura ng pagtitiwala at pagbibigay lakas sa bawat isa. Sa pagkakataong ito ay binibigyan ang bawat isa sa amin na makabuo ng orihinal na ideya na kung saan ay nabibigyan din ang bawat isa na magkaroon ng kaugnayan sa isang proactive na pag-iisip.
2. Binibigyan ng hamon ang bawat miyembro ng samahan. Ang mga hamon na ibinibigay ay nagpapatibay ng mga positibong pag-uugali at tumutulong sa mga matagumpay na Kapwa na bumubuo ng mga bagong kasanayan.
3. Hinihikayat ang bawat isa sa kakayahang umangkop o ang pagiging flexible. Ito ay lubos na nakakatulong sa mga Kapwa upang mapanatili ang aming galing o kakayahan bilang isang indibidwal dahil sa pamamagitan nito ay pinapadali upang ang bawat isa ay maging produktibo pa sa trabaho.
4. Pagbibigay ng "pagkilala". Isang bagay ito na nakakatulong upang maging mas proactive pa ang mga Kapwa dahil nagkakaroon ang bawat isa ng drive upang gawin ang kanilang mga layunin at tungkulin sa tama at wastong paraan.
Naniniwala ako na ang isang proactive na Kapwa ay may sapat na motibasyon sa sarili, marunong mag-resolba ng mga problema at naghahanap ng mga bagong pagkakataon. Tandaan din natin na kapag nakakaramdam ang mga Kapwa na pinagkakatiwalaan at sinusuportahan natin sila sa trabaho ilan sa mga nagiging resulta nito ay ang pagtaas ng pakikipag-ugnayan at pagiging produktibo.