Patakaran ng Pandayan Bookshop Ukol sa Privacy ng Panauhin

Mahigpit na iniingatan ng Pandayan Bookshop ang personal information ng bawat Panauhin para sa kanyang kapakanan at ayon sa Data Privacy Act of 2012 (RA 10173).
Pagkalap sa Personal Information ng Panauhin
Ang personal information na ibinibigay ng Panauhin para siya ay makilala – tulad ng kanyang pangalan, tirahan, email address, phone number, edad, status, kasarian, credit card number o Kaibigan card number – ay kailangan upang siya ay mapaglingkuran namin nang husto. Maaari rin kaming mangalap ng impormasyong ginawa nang pampubliko tulad ng impormasyong ibinahagi ng Panauhin sa mga blog, chat room, o social network; at ng impormasyong galing sa ibang kompanya, organisasyon o third-party partners.
Paggamit sa Personal Information ng Panauhin
Ang pangunahing layunin para sa pagkalap namin ng personal information ay para mapaglingkuran namin ang mga Panauhin nang mahusay at naaayon sa kanilang pangangailangan. Gagamitin namin ang personal information para maibigay sa mga Panauhin ang produkto at serbisyong angkop sa kanila, para ipaalam ang mga magaganap na promotions at events, para sa market research at internal operations, para mapigilan ang panlilinlang at iba pang krimen, at para sa pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan.
Pagbabahagi sa Personal Information ng Panauhin
Hindi kailanman ipagbibili o ipagagamit ng Pandayan Bookshop sa iba ang personal information ng Panauhin. Hindi namin ito ibabahagi o ipapaalam sa ibang tao maliban na lamang kung ito ay ayon sa batas. Ang makakaalam lamang nito ay ang Pandayan Bookshop, ang inyong piniling kinatawan, at ang aming katuwang sa hanapbuhay na binigyan namin ng kapangyarihang magsagawa ng iba’t ibang gawain para sa Pandayan Bookshop, tulad ngpagproseso sa promotional cards, pagsagot sa mga tanong ng Panauhin, pagproseso ng transactions at customer deliveries, at pagsasagawa ng market research. Gagamitin lamang ng aming katuwang sa hanapbuhay ang personal information ng Panauhin para maisagawa ang trabahong ibinigay sa kanila. Sinisiguro namin na sila ay bound by confidentiality at privacy obligations para maingatan ang personal information ng bawat Panauhin.
Pagbabago sa Personal Information ng Panauhin
May karapatan ang Panauhin na hingin o baguhin ang kanyang personal information, liban na lamang sa mga pagkakataon na hindi ito pinahihintulutan ng batas. Maaaring tingnan at baguhin ng Panauhin ang impormasyong ibinigay niya sa amin. Magpadala lamang ang Panauhin ng email sa dpo@pandayan.com.ph at tutugunan namin ang kanyang pangangailangan.