Mascot

Mascot

First time kong magsuot ng mascot costume sa buong buhay ko at nagawa ko lang iyon sa Pandayan. Pawis at init ang aking naranasan sa loob ng aking isinuot. Pero hindi ko ininda ang lahat ng iyon. Dahil sa bawat pawis na pumapatak at lumalabas sa aking katawan ay may kaakibat na saya at nakakataba sa puso. Dahil sa pag-suot ko nga mascot na iyon ay madami akong napasayang bata. Kitang-kita ko ang excitement ng bawat bata sa Sining Pandayan Workshop na aming isinagawa. Nakakataba ng puso dahil hanggang tenga ang ngiti ng mga bata noong lumabas ako suot-suot ang mascot.