Masaya sa Kalooban
Kasagsagan ng dami ng panauhin ang nakapila sa counter para magbayad. Lumapit ako sa counter para tulungan ang mga CSS para magbag ng pinamili ng ating Panauhin. Habang ako ay nagba-bag sa Lane 1 ay biglang nahinto ang pila sa Lane 2 dahil may batang nagbabayad na kinulang ang pera sa kanyang bibilihin. Lumapit ako sa CSS para itanong kung bakit. Ang sagot sa akin ni CSS ay “Sir pumipili pa po ang bata para ipabawas sa kanyang pinili dahil kulang ang dala niyang pambayad.” Nakita ko na halos tinaktak ng bata ang kanyang coin purse para ibigay sa aming CSS ang kulang nito na 7 pesos ngunit hindi agad siya makapagdesisyon kung anong item ang tatanggalin para sumakto ang kanyang pambayad. Sinabi ko kay CSS na ako na ang bahala magbigay ng kulang ng bata at akin itong babayaran. Natuwa ang bata dahil lahat ng items na kailangan niya ay kanyang mauuwi para gawin ang kanyang project at assignment. Pagkatapos ilagay sa notion bag ni CSS ang pinamili ng bata ay lumapit ang bata sa akin at nagpasalamat. Masaya ang bata paglabas ng tindahan. Kahit sa maliit na halaga ay masaya sa kalooban na nakakatulong sa iba.