Malasakit ng Kompanya
Habang tumatagal ako dito sa Pandayan ay mas namumulat ako sa tunay na malasakit ng kompanya sa kapwa, sa paligid, ekonomiya at mundo. Mula sa KP learning session ni Boss Jun na SDG ay mas lumalim ang pang unawa ko sa maraming dahilan ng ating mga aktibidad na ginagawa kaakibat ang buong Pandayan. Ang mga aktibidad natin mula sa simpleng Clean Up Drive ay may malaking impact sa ating mundong nilalagnat at umiinda ng karamdaman. Ang ating Kapwa Factor sa pagpapakatao, pakikipagkapwa-tao at pagkamakatao ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa tao at ating daigdig.
Bakit ba natin kailangan pahalaganahan ang daigdig sa ngayon? Ito ay para sa mga susunod na henerasyon, sa ating mga lumalaki at dumadaming pamilya. Gusto nating maranasan nila ang kanilang karapatang mabuhay ng may magandang at malusog na mundo. Walang banta ng sakuna na dulot ng kapabayaan ng henerasyon ngayon. Naniniwala akong lahat tayo ay may taglay na likas-kayang pag-unlad. Ang simpleng disiplina sa pang araw-araw na pamumuhay ay makatutulong sa paggaling ng ating nilalagnat na mundo. Sa simpleng pag-imis ng basura, pagtitipid ng tubig at kuryente o pag-iwas sa gamit ng mga kemikal ay maiibsan ang sakit ng ating mundo.