Kuwaderno

Kuwaderno

Umpisa na ng klase, tapos na rin ang bilihan ng mga gamit sa paaralan. Ngunit may dalawang batang babae na pumukaw ng aking atensyon. Namimili sila ng kuwaderno at agad ko naman silang tinulungan sa kanilang hinahanap. "Saan po dito yung notebook na tag 22?" tanong ng isang bata. Veco neo-pop spiral pala ang kanilang hinahanap ngunit ubos na ito sapagkat mabili ito sa aming sangay noong kasagsagan ng bilihan bago ang pasukan. Kaya naman nirekomenda ko na lang ang ating Papelikha yarn pero sa hindi inaasahan, kulang pala ang kanilang dalang pera para sa anim na kuwaderno na kailangan nila. Nakaramdam ako ng awa sa dalawang bata kaya pinakuha ko na sila ng anim na kuwaderno at sabi ko ako na lang bahala sa kulang nila. Natuwa ang dalawang bata at ito ay nagpasalamat sa akin. Simpleng tulong man ito para sa atin, malaking bagay naman ito sa dalawang bata na nagsusumikap mag-aral.