Kapwa Factor
Sakto rin na pa-lunch break na noon nang naglalakad kami patungo muli sa Principals Office. Dahil wala silang covered na pathwalk ay sa init kami naglalakad hanggang sa may kotse na umurong palapit sa amin. Binuksan nito ang bintana at si Madam Principal pala ito. Nagwika siya na “Nakaikot na kayo at sang-ayon ba ang mga bata?”
“Opo,” tugon po namin. Nagmaniobra ito ng kanyang sasakyan at inaalok kami na sumakay na at ihahatid na raw niya kami sa bayan. Sa sakayan ng jeep binuksan nito ang pintuan. Wika pa niya na mainit ang paghihintay at matagal kung dumaan ang mga tricycle sa kanilang baranggay dahil liblib na ito. Nagulat po kami ng aking kasamang Probee sa naging pakikitungo ng Principal. Pinakita po niya ang pakikipagkapwa-tao sa amin kahit di naman po niya kami personal na kakilala.
Si Kapwa Ver din po ay isang Education Graduate. Namangha rin po siya sa kababaang loob na ipinakita ng principal sa amin dahil bihira lamang daw po ang may mga ganitong katangian lalo at nasa position. Naikwento ko po sa kanya na madami na rin po ako nabisita na mga school na maalok at maalaga sa kanilang Panauhin tunay na pinapahalagahan ang Kapwa Factor na nasa ating Kultura ng Tagumpay.
Simple act of kindness pero napakalaking epekto nito sa damdamin ng tao sa paligid. Hindi man po gaanong nauunawaan ni Kapwa Probee ang sinasambit na Kapwa Factor ay alam ko pong tumatak po sa kanya ang malaskit po ni Maam Rowena sa amin.