Published: February 27, 2026
| 25 views
Ngayong taon ay isa sa napansin kong trending para sa mga panregalo ay ang “Color Theme Gift Exchange.” Halos lahat, mapa-opisina, pamilya, magkaklase, atbp., ay ganitong klase ng pagbibigay ng regalo ang naging tema. Napansin ko din sa mga namimili sa amin ay hindi naging patok ang monito-monita ngayong taon. Mabuti na lamang sa Pandayan ay buhay na buhay ang ating “color blocking display.”
Bilang karagdagang presentasyon sa aming color blocking display, naisipan ko din itong lagyan ng color meaning upang mas maging buhay at masaya ang mga mamimili, at magkaroon ng ideya ang mga panauhin kung anong personalidad ang mayroon sila batay sa kulay na kanilang paborito.
Marahil kaya naging patok ito noong 2025 ay dahil tumutukoy ito sa creativity at imagination; bawat isa sa atin ay maaaring mayroong paboritong kulay. Masarap din sa pakiramdam na makakuha ka ng regalo na naaayon sa kulay na gusto mo. Ang kagandahan pa rito ay hindi lang isang klase ng paninda ang maaari mong bilhin—maaari ding iba-iba basta naaayon sa kulay na gusto mo.
Ang mga paninda namin gaya ng mga lumang mugs na hindi na napapansin, noong nailagay sa color blocking display, ay tila ba naging mukhang bago. Sa aking pag-monitor ay nabili na ang mga ito.
Sa color blocking display, isa sa napansin ko ay lahat ng paninda ay tila mayroong sariling ring light. Walang mapag-iiwanan; hindi mapapansin kung luma na o bago ang mga paninda. Iba ang hatid ng mga kulay sa bawat tao.
#Samalikha #IsipPanday