(02) 8990-0909 it@pandayan.net

Ang Kahalagahan ng Project Management

By: Edna Margos
Dinalupihan
Published: March 1, 2026 | 24 views
Share
Dito ko nakita ang kahalagahan ng Project Life Cycle: mula sa pagsibol ng ideya, pagbuo ng plano, pagsasagawa, hanggang sa pagsubaybay at pagkontrol. Kahit simpleng gawain, kapag dinaan sa ganitong cycle, mas nagiging maayos, mabilis, at mabunga. Sa aking sariling karanasan, napagtanto ko na minsan ang pinakamaliit na proyekto ang may pinakamalaking epekto. Ang maayos na display, ang malinis na paligid, ang malinaw na label, o ang maagap na pag-aayos ng problema—lahat ng ito ay nagdadala ng kaayusan at kaginhawaan sa mga panauhin.   At dito ko makikita ang tunay na “superpower ng kapwa”: ang kakayahang gawin ng mas magaan ang buhay ng iba sa pamamagitan ng maayos, disiplinado, at masinop na paggawa ng tungkulin . Sa huli, ang project management ay hindi lang tungkol sa paghawak ng proyekto. Ito ay tungkol sa pagbuo ng disiplina, pagpapatatag ng samahan, at pagpapakita ng malasakit sa lahat ng naapektuhan ng ating gawain . Kapag lahat tayo ay marunong magplano, gumawa, at sumusubaybay, mas magiging magaan, malinaw, at makabuluhan ang ating pagsulong, hindi lamang bilang manggagawa, kundi bilang kapwa-taong may layunin at malasakit.   #Samalikha #IsipPanday

Comments (0)

Leave a Comment
Login to skip this step.