Walang Hinihintay na Kapalit
May napansin akong estudyante na magbabayad na sa counter. Binuksan niya ang kanyang bag at tila may hinahanap ito. Kaya naman lumapit na ako at tinanong ang panauhin kung ano ang kanyang hinahanap. Ang sagot niya sa’kin ay yung wallet daw niya. Hindi makita saan nailagay kaya kulang na lang ng P10.00 ang kanyang pambayad. Sabi ko sa panauhin, “Sige, po. Ok na po ito! Kami na lang magbabayad ng kulang.” Tinanong ko na rin kung saan pa siya uuwi. Baka wala na rin siyang pamasahe. Ang sagot sa amin ay sa Alangilan pa raw siya kaya sabi ng aming probee ay siya na raw muna magpapahiram ng 20.00 pamasahe para makauwi lang ito sa kanila. Abot-abot ang pasalamat ng estudyante. Sabi nga ay babalik na lang daw siya para bayaran ito. Sumagot nga kami na huwag na siyang mag-abala dito ay napansin nga ng ibang panauhin namin. Napasabi siya ng “Ang bait ng mga taga-Pandayan, ha! Kung sa iba, hindi na ibibigay yung item kasi kulang ang pambayad niya.” Pagkatapos ng mga transaksyon namin ay pinasalamatan ko ang aming probee dahil naa-adapt niya ang ginagawa namin minsan na pag-aabono sa mga kinukulang sa pambayad. Ayon pa sa probee namin ay masaya siya dahil kay Pandayan ay natututo siyang tumulong nang walang hinihinging kapalit.