Viber Folders
Sa Viber ay gumawa ako ng folder para mas maging organisado at mas madaling makita ang mga ASAP o top priority. Halimbawa sa folder ng INVENTORY doon nakalagay ang P9 Hingian, P9 Alukan, SE Enterprise Hingian, SE Enterprise Alukan kasama din dito ang P9 Inventory.
Pinagsama-sama ko ang may kinalaman sa inventory ng tindahan. Mas madali pa itong malaman kung may bagong mensahe dahil may bilang sa mismong folder. Ito ang kaibahan kapag sa ALL nakalagay. Sa ALL, halo-halo kaya natatabunan ang ibang mensahe. Ibinahagi ko rin ito sa aking kasama sa tindahan para mas maging aware sila.