Tuloy ang Workshop
Nito lamang nakaraang Linggo (October 09) ay nakapagdaos po kami ng Sining Pandayan sa Alupay ES. Unang beses ko pa lamang makapunta dito at sobrang layo pala nito.
Maaga kami pumasok dahil malayo nga ang aming paggaganapan ng art worshop.
Kasama ko dito sina Kapwa probee Nathaly at si SE Jovit. Naka motor lamang kami ni Sir Jovit at nag-commute naman si Nathaly. Naghintayan kami sa palengke ng Sampaloc Quezon upang sabay-sabay kami makarating sa paaralan ng Alupay.
Sa terminal pa lamang dito sa Lucban ay biglang nanakit na ang balakang ng aming SE. Iniisip ko na baka hindi kami matuloy dahil nga ininda na ng SE namin ang balakang niya. Ngunit kahit matindi na ang sakit na nararamdaman niya ay patuloy pa rin sa pag drive si Sir patungo sa school. Ramdam ko ang hirap na naramdaman ni Sir kung kaya’t kahit sa terminal ay kinailangan niya dumapa upang bawasan ang sakit. Hindi rin naman ako marunong mag-drive ng motor kung kaya’t di ko matulungan si Sir upang kahit papaano ay ako na ang magmaneho papuntang Alupay.
Pero dahil tawag nga ito ng tungkulin ay kailangan ito matuloy. Nang makarating na kami sa eskwelahan ay bakas sa mukha ng mga estudyante ang excitement dahil first time nila ito gawin. Apat na kit ang aming ginawa dito at tuwang-tuwa ang mga bata, lalo na sa paper bag puppet at nang lumabas na ang aming mascot ay pinagkaguluhan ito. Sakto rin na nagdaraos ang isang estudyante dito ng kanyang kaarawan kung kaya’t nagpa-picture din siya sa ating mascot.
Hindi mo alam kung kailan ka susubukin ng panahon. Halimbawa na lang ay sa nangyari sa aming SE sa biglaang pagsakit ng balakang niya. Pero dito mo makikita ang tunay na Panday na handang ipagpatuloy ang tungkulin kahit may sakit na nararamdaman. Patuloy pa rin na pinapahalagahan ang kanyang na-commit sa panauhin. Kahit nga malayo ito at alam niya na lalala ang kanyang kalagayan ay pinagpatuloy pa rin na mapunthan at matuloy ang worskop.