The KAPWA Way

The KAPWA Way

Ito ang tawag sa paraan ng paghubog natin sa workforce ng Pandayan, bagay na itinataguyod ng ating Tanggapan ng Pakikipagkapwa.
K – Kumuha ng magagaling na probee.
A – Alamin ang tunay na husay ng bawat probee.
P – Piliin ang mayroong kakayahang maging Tagapagpatupad.
W – Walang-sawang ipaunawa at ipasapuso sa Kapwa ang Kultura ng Tagumpay.
A – Alisin ang mga balakid sa mabuting pamumuhay ng Kapwa.
Ito ay mula kay JVC. Sa ngayon ito marahil ang dapat itaguyod ng mga Tagapagpatupad. Sa atin sa Pandayan ang Kapwa ang pinakamahalagang asset ng kompanya ngunit sa ating mga Tagapagpatupad nakasalalay ang tatlong “P” Pagpili, Pagtuturo at Paggabay.
Pagpili - Mahalaga na maglaan tayo ng oras pagsasala ng mga aplikante na papapasukin natin sa ating kompanya. Mahalaga ang pag-interview nang maayos sa kanila, pag-alam sa buhay personal gayon din sa kanilang mga karanasan sa trabaho at kakayahan. Hindi sapat ang pasado lamang sa exam ay pwede na. Mas importante na kilalanin muna sila.
Pagtuturo - Ang Pandayan ay isang samahan na nagtuturo at natututo. Para sa akin mahalaga na sa training pa lang ng probee ay matutukan na sila. Mula sa pagkilala ng mga items ng tindahan, pagtuturo sa trabaho ng isang CSS at MA. Pagbabahagi ng SOP ng kompanya at paggawa ng ibang bagay katulad ng pasadya, pag-aalok ng Kaibigan Card, pagsama sa buhay komunidad at higit sa lahat ay ang pagsasabuhay ng ating Kultura ng Tagumpay.
Paggabay - Hindi sapat na naturuan na sila ay okay na. Kailangan ng Continuous Improvement ng mga Kapwa. Ang paggabay o pagtulong sa kanila na madagdagan ang kanilang mga kaalaman at mahasa ang kanilang mga kakayahan ay malaking bahagi ng kanilang pag-unlad. Purihin ang tamang nagagawa, ibahagi sa iba at punahin at itama ang mga mali at hindi nagagawa.