Tatak ng Pandayan
Ito ang aking unang beses sa pagsusuporta sa pag-renew ng ating mga Business Permit kung saan ay sa simula ay nagkaroon pa ako ng kalituhan patungkol sa mga papeles na kailangan. Mahaba man ang bawat pila ay napapawi ito pagdating sa counter o pagharap sa mga staff ng mga munisipyo kung saan ay mararamdaman mo ang sukli ng maganda nating serbisyo dahil maayos rin at nakangiti silang humaharap sa atin.
Halimbawa na dito ay ang naranasan ko sa Naic, kung saan ay uniporme pa lang ay kilala na agad nila na taga-Pandayan ako at agad nila akong in-assist kung paano ang pagkakasunod-sunod ng proseso sa pagkuha ng permit.
Isama na rin dito ang pagkanta ng ibang staff sa ating tagline na “Pandayan Bookshop, Kabalikat sa Pag-aaral.” Dito masasabi ko na nagkaroon na talaga ng tatak ang Pandayan sa mga Kapwa sa komunidad at malaking bahagi nito ang magandang serbisyo na kanyang ibinibigay sa mga Panauhin na papasok sa ating pintuan.