Tapat na mga Kapwa
Maraming beses na kaming naka-encouter ng Panauhin na nakaiwan ng kanilang mga cp, wallet o pera at susi sa loob ng ating tindahan. Nahuhulog o naiiwan sa selling area o kaya naman ay sa cubicle area. Kapag may ganitong pangyayari ay agad namin itong itine-turnover sa guard at may isang Kapwa Regular ang witness upang ma-check at mai-log kung ano man ang naiwan.
Nito lamang nakalipas na araw ay may mga estudyante na nakaiwan ng kanilang wallet sa ating selling area. Naging aligaga ang mga estudyante sa kakahanap at medyo kinakabahan na dahil class fund daw nila iyon. Agad silang lumapit kay SG Cabug upang sabihin na nawawala ang kanilang wallet. Pinatulungan ni SG Cabug kay CGL Jay na hanapin ang wallet at sinubukan din na i-check sa CCTV. Ilang minuto lamang ay lumapit sa akin si SD Lito at may inabot na wallet. Tinawag ko ang mga estudyante na naghahanap ng wallet at pina-describe ko sa kanila kung ano ang itsura ng kanilang wallet at kung magkano ang laman. Base sa kanilang description ay tumugma naman ito sa napulot na wallet ni SD Lito. Agad naming inabot sa mga estudyante ang wallet at pinapirma sa ating logbook. Tuwang-tuwa at nahimasmasan ang mga estudyante dahil kanina pa sila kinakabahan dahil pambili nila iyon ng mga gagamitin nilang pandécor sa kanilang classroom. Laking pasasalamat nila at wika nga nila ay love na daw nila ang Pandayan at lagi silang bibili sa atin. Kinabukasan ay nakita ko na muli silang bumalik sa tindahan at namili ng gamit nila sa eskwela.