Taos-Pusong Pagtulong ng mga Probee
Simula noong makita at malaman nila na maaaring abonohan ang naging kulang o dahil sa kinapos ang pera na pambayad ng Panauhin sa kanyang pinamili ay nakita ko sa aking mga probee na patuloy na nila itong ginagawa sa tuwing may kulang ang mga Panauhin. Nakikita ko ito dahil sa tuwing magpapavoid ang mga CSS ay tatanungin ko kung bakit at alin ang ivo-void. Ang madalas na dahilan ay kinulang ang pera ng Panauhin. Alam na rin ng mga probee kung paano sila makakakuha ng pera sa kanilang wallet. Mag body frisking at kukunin ang kanilang susi ng locker sa guard (dahil kinikuha lang namin ito tuwing breaktime at uwian). Pagtapos tsaka pa lang sila makakakuha ng pera na ipang-aabono nila sa kulang ng Panauhin.
Meron din na halos nasa 76 pesos ang naging kulang ng batang Panauhin. Ivo-void ko na sana ito ngunit ang sabi ni CSS Kevin ay “Huwag na, sir. Ako na lang ang magbabayad ng kulang.” Pagtapos nga niyang paluwalan ay sinabihan ko siya na “Medyo malaki ang inabono mo.” Ang sagot lang niya ay naawa kasi siya sa bata. Mukhang kailangan niya dahil kahit umuulan ay pumunta pa rin ito sa ating tindahan. Nakakatuwa dahil halos lahat ng aming mga probee ay naranasan ng mag-abono sa kulang ng mga Panauhin at nakita ko sa kanila na masaya sila sa tuwing gagawin nila ito. Bukas sa kanila ang pagtulong sa mga ganitong pagkakataon. Dahil dito masasabi kong ang nakita at nalaman nila ang naging susi upang ang taos-puso nilang pagtulong sa mga Panauhin ang naging batayan nila para sa mga mabubuting gawain. Kaya naman para sa akin nakakataba ng puso na makatulong talaga na walang hinihintay na kapalit kahit sa mga ganitong pagkakataon.