Taga-Pandayan Ka Pala

Taga-Pandayan Ka Pala

Isang araw ay nakasabay ko habang naglalakad sa Paso de blas (pa VGC) ang taga-barangay namin. Noong una ay nginitian ko lamang siya. Binati naman niya ako ng magandang umaga at bumati rin ako pabalik. Habang naglalakad ay nagkukuwento siya natutungo nga raw sya sa City Hall dahil may kailangan siyang gawin doon. Noong malapit na kami makarating sa terminal ng jeep ay nagsabi siya sa akin na, “Kaya pala palabati at pala ngiti ka dahil taga-Pandayan ka. Mababait talaga ang mga empleyado roon.”
Habang nakasakay sa jeep ay natutuwa ako sa mga sinabi niya dahil nakilala niya tayo na mababait na Kapwa. Mas lalo tuloy akong naging proud na taga-Pandayan ako.