TIWALA SA PANDAYAN

TIWALA SA PANDAYAN

School opening rush, may isang panauhin ang pumunta sa aming tindahan upang mag donate ng isang bag ng 25 centavos. Humahangos siya at nagmamadali noong araw na iyon. Una ang akala ko ay magpapapalit siya dahil madalas ang pumupunta sa amin na may dalang 25 cents ay nagpapabuo. Pero ikinagulat ko nang lumapit siya sa akin at inabot ang isang bag ng 25 centavos at sinabing, “Ay hindi, i-donate ko iyan. Marami pa nga iyan. Sa PGH ninyo iyan dadalhin, tama ba? Kasi nakita ko noon last na punta ko na meron kayong lata ng PGH. Kaya naisipan kong sa inyo na lang dalhin kasi alam kong siguradong makakarating ito sa kanila. Wala rin kasi akong oras.”
Kinuha ko ang kanyang pangalan upang kako mapasalamatan sila. Huwag na raw. Ok lang daw kahit hindi na. Ang mahalaga raw ay makarating ito sa dapat mapuntahan at alam daw niya na tama ang kanyang pinagdalhan. Kinuhanan ko na lang siya ng letrato para kako sa ma send ko upang patunay na siya ay nagdala sa atin ng naturang 25 centavos.
Nakakatuwang isipin na may mga taong ang tingin sa atin ay hindi lang isang tindahan na ang nais ay kumita lang at magbenta. Kundi nakikita nila ang ating adhikain na tumulong sa abot ng ating makakaya. Talagang malaki ang epekto ng atin ng Kultura ng Tagumpay. Dahil sa taglay natin ito ay nakikita at nararamdaman ng panauhin kaya ganun na lang ang tiwala nila sa atin na kahit sa pera ay alam nilang mapagkakatiwalaan tayo. “Kayo na po bahala,” ang kanyang banggit. Tanda na malaki ang kanyang tiwala na nasa mabuting kamay ang kanyang donasyon.