Storytelling at Sayaw
Noong ikalawang araw ng aming Tent Store at Book Fair sa Divine Word College of Urdaneta Inc. ay ginanap namin ang storytelling kung saan dinaluhan ng mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6. Nasa humigit kumulang 70 sa kabuuang bilang ang mga mag-aaral na dumalo. Kasama ko si Kapwa Dan. Nagkaroon ng konting palaro.
Nagtanong si Kapwa Dan tungkol sa kwentong kanyang binasa at tuwang-tuwa ang mga bata dahil kada tamang sagot nila ay may premyo sila. Makikita mo talaga na nakinig at naintindihan nila ang kwentong aming binasa kung kaya’t nakakasagot sila nang mabilis at tama.
Bukod doon ay tinanong ko sila kung sino sa kanila ang nagti-TikTok at talaga naman na halos 97% sa kanila ang nagtaas ang kamay. Makikita mo talaga sa mga mag-aaral na mahilig din silang sumayaw. Libangan ko ang pagsasayaw at ginamit ko ito at nagkaroon kami ng Zumba. Ang bawat bata ay sumayaw dahil alam na alam nila ang sayaw na aming sasayawin.
Noon pa man ay pangarap ko ng maging isang Dance Instructor. Naging mananayaw ako sa aking buhay estudyante. Mas lalo akong naging aktibo sa pagsasayaw noong nasa kolehiyo na ako. Dahil pangarap kong maging isang Dance Instructor kaya kumuha ako ng kursong Edukasyon. Hindi man ako naging isang ganap na guro ngunit dahil sa Pandayan ay nakakapagturo ako sa pamamagitan ng workshop. Nagtuturo ako ng art at simpleng sayaw. Sa ganitong paraan ay natutulad ko pa rin ang aking pinapangarap na maging Dance Instructor dahil sa Pandayan Bookshop.