Sobrang Sukli
Kada hapon ay lumalabas ako upang bumili ng meryenda sa isang rolling bakery. Madami kaming mga bumibili noon at batid ko ang pagod sa lalaking tindero. Noong ako na ang tinanong niya kung ilan ang aking bibilhin, agad ko naman siyang sinagod. Sa kanyang pagmamadali na mabigyan ako ng sukli ay sobra ito. Halos 50.00 pesos din ang sobrang naibigay niya sa akin. Agad naman akong bumalik at ipinaalam sa kanya na sobra ang kanyang naibigay na sukli. Walang alinlangan kong ibinalik ang sobrang sukli dahil alam ko na hindi naman sa kanya iyon at alam kong kalugian ito. Kinabukasan ay bumili muli ako at nagulat ako. Tila marami yata ang kanyang inilagay sa lalagyan. Dahil 20 pesos lang naman ang aking binibili. Agad niyang sinabi, "Bigay ko na lang ‘yan sa’yo. Ibigay mo sa mga kasamahan mo sa Pandayan." Dito nabanggit niya sa akin na galing siya sa aming tindahan at napansin niya na marami kami doon. Dahil daw ito sa pagbabalik ko ng sukli. Alam niya na marami raw talaga ang bumili sa kanya kaya’t hindi niya na napapansin kung tama ang kanyang sukli. Napangiti na lamang ako sa senaryong iyon dahil nga sa simpleng bagay na ginawa ko ay mas nakilala din ang Pandayan. Tunay na ang Pandayan Bookshop ay taga hubog ng mga Kapwa upang maging mabuting tao.