Si Lola
Habang nagtitingin pa siya ng iba pang mga paninda na maaari pa niyang maidagdag sa napili niya ay hindi niya napigilan na magkwento tungkol sa pinagdaanan ng kanyang apo dahil simula ng tatlong taon pa lang ang bata ay siya na ang nag-aalaga at nagpaaral dito dahil inabanduna na raw ng nanay ang kanyang apo at kaya kinupkop, inaruga at hindi siya nagdalawang-isip na alagaan ito kahit alam niya na mahihirapan siya na buhayin at ibigay ang mga pangangailangan ng bata.
Nagsumikap siya na magtrabaho hanggang mapagtapos daw niya ang kanyang apo ng valedictorian at consistent na may natatanggap na parangal ang kanyang apo. Tinanong niya ang kanyang apo na kung sakaling babalik daw ang kanyang nanay at kukunin daw siya ay sasama ba raw siya at ang sagot ng kanyang apo ay "Hindi po. Ikaw ang aking nanay at ikaw ang nag-alaga, kumupkop at minahal mo ako nang totoo." Noong narinig niya ito ay hindi raw niya maiwasan na maiyak at yakapin ang kanyang apo dahil sa mga binitawan niyang mga salita.
Habang pinapakinggan ko ang kwento ni Lola ay naiiyak na rin ako dahil naisip ko na kakaiba talaga ang pagmamahal ng lola sa kanyang apo na sana ang nanay ang gumagawa noon. Napaisip din ako na may dahilan din ang nasa itaas kung bakit ganoon ang nangyari sa kanilang pamilya. Kaya ang binili ni Lola ay ang chocolate na papuso ang korte para daw sumisimbulo ito ng kanyang pagmamahal para sa kanyang apo.