
Shared Prosperity Interview kay Boss JVC
Isa akong mapalad na Kapwa Panday sapagkat naririnig at nararamdaman ko ang bawat malasakit na ipinagkakaloob ng ating mga boss. Sa isang interview niya sa radyo ay pumapalakpak ang aking puso sa mga katagang kanyang winiwika patungkol sa ating Kultra at pamamaraan ng palakad. Gulat na gulat din ang mga interviewer sa mga kwento ni Boss JVC na totoo pala ang mga ganitong layunin na nakatutok sa pag-unlad ng kanyang mga Kapwang manggagawa sa kompanya.
Proud ako nang banggitin na ang mga Kapwa ay hindi Payroll Expenses sa Pandayan. Tayong mga Kapwa ay asset na tumutulong na mapalago ang kompanya. Ang prinsipyo ni Boss na "Pinagsasaluhang kasaganahan" ang aking motibasyon sa pag-aabot ng aking mga pangarap para sa aking kinabukasan.
Sa dami ng mga benepisyo na aking natatamasa, padami ng padami kada taon. Naririnig at inaaksyunan ang mga pangngailan upang mas yumabong ang samahan. Malaki ang aking pasasalamat na napabilang ako sa kompanya na may malasakit at mapagkalinga. Sa aking uniporme ay alam kong nasa mabuting kamay ako dahil alam ko na aalalayan ako at tuturuan pa upang magkaroon ng mas makabuluhang buhay.
"Sana All" kapag naririnig ko ito ramdam ko ang tindig ng balahibo ng mga taong nakakarinig sa mga benepisyo na meron tayo. Ito sana ang damdamin na nais kong makamulatan at mapunla lalo na sa mga Probee natin, ang hangarin at pagsumikapan na maging Pandayan Regular Kapwa din.