SK Elections
Ngayon BSKE marami sa atin mga kapwa pinoy at kabataan ang nais makipagsapalaran na tumakbo bilang isang public servant. Meron sa kanila maganda ang hangarin at meron din iba ang nais gawin. Isa sa aking kasamahan na probee ang tumakbo bilang isang SK Chairman.
Kung ilalarawan ko ang laban, para silang David at Goliath. Lumaban ang Kapwa probee namin bilang isang independent candidate. Lumaban siya na wala siyang kagamitan para sa campaign. Wala siyang kadakit na politiko na maaari niyang kapitan. Tanging pamilya at mga tao na naniniwala sa kanya ang dala niya sa eleksyon na ito. During the campaign period, mas focused pa rin siya sa trabaho niya. Hindi man lang lumiban sa kanyang trabaho para mag campaign. Kumpara sa kanyang kalaban na malakas, hawak ng kanilang kapitan at higit sa lahat ay may pera.
Araw ng eleksyon marami ang nagulat sa resulta dahil nagwagi si Kapwa Aldrin bilang SK Chairman. Sa sobrang saya namin binati namin siya sa aming GC. Sobra akong namangha sa kanyang sinabi sa amin. Sobra ang kanyang pasasalamat at na-realize niya na hindi pa rin daw talaga matatalo ng pera ang mabuting pakikisama, pakikipagkapwa-tao at may magandang puso.