SDG at Kapwa Company
Sa nagdaan na learning session ni Boss patungkol sa Sustainable Development Goals (SDG) ay aking naisip na hindi lamang ordinaryong kompanya ang Pandayan Bookshop. Ang ating kompanya ay nagsimula sa Pandayan Uno hanggang sa Pandayan Cuatro kung saan ay bumubuo ng kilusan, nakikilahok at tumutulong tayo sa komunidad na ating kinabibilangan. Sa pamamagitan ng mga programa na ating isinasagawa tulad na lamang ng pagtulong sa tree planting at clean-up drive ay nakakapag-ambag tayo upang maabot ang SDG. Bukod pa dito ay swak ang SDG sa ating Kapwa Company na nagpapahalaga sa tao at maging sa daigdig, na ang layunin ay magkaroon ng makabuluhang buhay ang bawat isa.
Bilang indibidwal ay may magagawa tayo. Umpisahan natin ito sa ating sarili at sa ating pamilya. Walang masama sa pagbabago kung ang pagbabago ay magbubunga ng mas maayos, masagana at mapayapa na daigdig. Ang unang hakbang sa pagbabago ay kamulatan. Kamulatan na siyang magbubukas sa ating mga mata upang makita ang mga bagay na dapat ng gawin at ayusin. Para ito sa ating mga anak at sa susunod pang henerasyon.