Pitong Kakayahan
Sa Learning session nitong nakaraang KP na pinamagatang “Pitong Kakayahan ng Pinuno,” binigyang diin ni Boss ang pinagkaiba ng Kakayahan o Competency at kahusayan o Skill set. Kung pakikinggan ay aakalain mong iisa lamang ang kahulugan ngunit may malalim na pinagkaiba pala kung pag-iisipan at hihimayin ito.
Sa Pitong kakayahan ng Pinuno sa Mundo ng Edukasyon na tinalakay ni Lyle Kirtman ay nakakuha ako ng 82.86 na score base sa aking karanasan at kakayahan.
Kakayahan #1 - Dito ay nasusubok ang husay sa pagtuturo at dahil kapag reliable ang mga kasamahan sa mga task na ibinibigay ay tanda ito na mahusay ang pagbabahagi ng kaalaman at kahusayan ng pinuno. Hindi natatakot makipagsapalaran ang Pinuno at handang sumubok ng bago kahit hindi pa malinaw ang kalalabasan nito. Kung may mga alituntunin na nagiging hadlang sa bilis ng kilos ay marunong siyang magdesisiyon at mag-isip ng panibagong process para dito, para sa ikaaaayos ng sistema na magbubunga ng mas mabilis at magandang resulta.
Kakayahan #2 – bilang isang pinuno ay kailangan na maging mabusisi at palaging humingi ng feedback sa mga kasama kung malinaw at naunawaan ng lahat ang mga napag-uusapan at lahat ng alituntunin sa isang samahan. Dito rin masusukat ang kumpiyansa sa sarili sa pagharap sa mga tunggalian at anumang pagsubok na maaaring humadlang sa pagkamit ng hangarin. Ipinapakita niya sa mga kasama na sa bawat pananagutan ay hindi ito natatapos sa salita lamang, kailangan ipakita ang pagkilos at mapamalas ang pagiging accountable upang maging magandang halimbawa sa kanila.
Kakayahan #3 – Ito ay nakasentro sa pagbuo ng plano. Kailangan na mahusay ang isang pinuno sa paggawa ng project plan at sa pagtupad nito, maging sa pag-evaluate kung maayos ang nagiging resulta at daloy ng proseso. Hindi ito natatapos sa usapan at paglikha lamang ng plano dapat angkop at naunawaan ito ng lahat. Nakasubaybay siya sa mga kasama kung lahat ay nakakasunod at naisasagawa ito ng tama at kung may nakikita siyang pagkukulang o nangangailangan ng improvement at dapat siya ay flexible sa anumang pagbabago.
Kakayahan #4 – kailangan na kilala mo ng lubusan ang mga kasama at kung ano ang kanilang mga kahusayan at pagkukulang. Laging pinapaalala sa kanila ang bias ng Teamwork at kung paano nito mapatatatag ang samahan at mapapaganada anag resulta ng bawat gawain. Bukas siya sa anumang mungkahi ng iba at desisiyon na sa palagay niya ay makakatulong.
Kakayahan #5 – kayang gumawa ng schedule o target time kung kailan dapat matapos ang proyekto. Handa sa anumang pagbabago at mahusay sa decision making. Kayang gumawa ng desisyon na sang-ayon at angkop sa lahat. Hindi basta-basta o pabago-bago sa mga desisyon at proseso, pinag-iisipan itong mabuti at kailangan na sistematiko at organisado upang maging mas malinaw at may batayan ang lahat ng pagbabago.
Kakayahan #6 – binibigyang diin dito ang Accountability o buong kalooban na pagtanggap sa anumang resulta sa mga plano. May pananagutan at responsible sa anumang aksyon na gagawin. Binibigyan niya ng pagkakataon ang lahat upang makapagbigay ng kanilang saloobin o mungkahi na maaaring makatulong sa pagkamit sa magandang resulta.
Kakayahan #7 – Lumalabas siya sa comfort zone at marunong makipag coordinate sa outside community upang mas maging malawak ang koneksiyon at mas makilala sa labas ng kompanya. Kayang makipagsabayan sa pagbabago ng teknolohiya para sa mas mabisang proseso at makabagong pamamaraan.