Pasasalamat ng Panauhin
Habang nasa selling area ako at may ina-assist na panauhin, may biglang lumapit sa akin na estudyante upang tanungin ako, "Ate,busy ka po ba?" Tumugon naman ako “Hindi po. Ano po sana iyon?” Tugon nito na nais niya sanang magpa-assist sa akin. Humingi siya ng ideya para sa kanyang panregalo, kung ano ang mas magandang gamitin. Agad ko namang hinanap ang kanyang ipanreregalo. May kalakihan ito kaya agad kong inirekomenda ang ating mailer box mula kay Impress. Nag-suggest ako na mas maganda ito kung lalagyan ng confetti bilang dagdag na palamuti.
Bago sa akin ang pangyayari na ito. Masyadong mahiyain ang panauhin at manghang-mangha siya sa ating serbisyo. Ayaw niya na rin sana kunin ang kanyang sukli dahil bayad niya lang daw ito sa atin. Pero tinanggihan namin ito dahil walang kabayaran ang serbisyo na kaya nating ibigay sa ating panauhin. Bago siya lumabas sa tindahan, ay abot-abot ang kanyang pasasalamat sa atin. Iniwan niya ang mga katagang ito, "Ate ngayon lang ako nakapasok sa Pandayan pero ganito pala ang mga staff dito." Nakakataba lamang ng puso dahil sa kabila ng ating pagiging abala sa loob ng tindahan ay naibibigay natin sa ating panauhin ang maayos na serbisyo.