Panauhing Taiwanese

Panauhing Taiwanese

Bandang hapon isang araw ay may pumasok sa ating tindahan na dalawang lalaking Panauhin. Nasa 40+ ang edad. Nadinig ko sila na hirap magsalita ng English at kapag sila lang dalawang magkasama ang nag-uusap ay medyo naiintindihan ko naman po ang kanilang sinasabi dahil Mandarin ito. Agad akong lumapit sa kanila para tanungin kung anong hinahanap nila.
 
Mabilis naman po kaming nagkaintidihan dahil nakakausap at nasasagot ko sila ng salitang Mandarin, pati ang presyo, kulay na kanilang tinatanong at hinahanap ay agad kong naibigay at nasagot sila. Batid ko sa kanilang mga ngiti na napagaan natin ang kanila kaloob dahil mabilis nilang nahanap at nabili ang kanilang kailangan. Hanggang sa counter na pagbabayad ay inalalayan ang si Probee Dan dahil baka may itanong pa sila.
 
At noong matapos na makapagbayad ay tinuruan ko si Dan ng salitang Mandarin na salamat at nadinig naman ng ating Panauhin iyon. Agad silang sumagot na maraming salamat din at ang husay daw natin dahil may maalam sa atin makaintindi at magsalita ng wika nila at muli raw silang babalik para bumili ulit kapag may kailangan sa kanilang project. Yun po ang aking pagkakaintindi.
 
Dito po ay nagagalak po ako dahil kahit papaano ay nagagamit ko pa rin sa Pandayan ang konti kong alam sa pagsasalita ng Mandarin at nakatulong pa tayo sa ating mahal na Panauhin na mabigay ang kanilang nais.