Pamasahe ng mga Bata
February 24, alas 4:00 ng hapon habang ako ay nag-aayos sa aking area, napansin ko ang mga bata na nagkukumpulan sa tapat ng mga wood canvas. Sa pagtataka ko ay nilapitan ko sila upang sana ay i-assist kung ano ang kanilang hinahanap.
Nang lumapit ako ay agad kong tinanong sila at sabi ng isang bata ay sakto lang ang kanilang pera at wala ng pamasahe pauwi. Paulit-ulit ko silang tinanong kung paano sila uuwi kung wala na silang pera na natitira dahil ipinambili nila ng canvass. Ang sabi na lamang nila ay maglalakad na lang daw po sila pauwi mula Polangui hanggang sa Oas (ilang kilometro ding ang layo). Nang sila ay magbabayad na ay nag-uusap pa rin sila kung paano at saan kukuha ng pamasahe pauwi. May isang panauhin ang lumapit at nagsabi na naririnig niya ang mga bata at handa siyang magbigay ng pamasahe nila pauwi.
Ang mga bata ay tuwang-tuwa na nagpasalamat sa ating mabuting Panauhin at agad na nagpasalamat. Maging ako ay natuwa sa aking nasaksihan. Sa ganitong pangyayari ay napasabi na lamang ako sa aking sarili na sa sobrang hirap ng buhay ay meron pa rin pa lang mga tao na handang tumulong sa mga kapus palad na tao at nangyari pa ito sa loob ng Pandayan Bookshop.