Pagmumuni sa Good Governance
Maganda na magkaroon o magpatuloy ang pagkakaroon ng mabuting pamumuno dahil isa ito sa posibleng mag-angat sa mga taong nababaon o lumulubog dahil sa kahirapan. Sa totoo, wala akong alam sa mga batas o sa kung anong nangyayari sa bansa. Masasabi ko na ang tamang salita ay WALANG PAKIALAM SA GOBYERNO. Ang tanging concern ko lang sa araw-araw ay kung paano tatakbo ang aming buhay kung paano makaka-survive sa pang araw-araw.
Ngayon, naging bukas sa akin kung anong kalagayan ng bansa. Nabubulag pala ako ng mga proyekto na nilalabas nila na sa likod pala nito ang malaking halaga na kanilang nakuha! Sa totoo ay mahirap malaman kung sino talaga ang mabuting gobyerno. Batay sa aking karanasan dito sa aming lugar meron isang Congressman ang tumutulong sa mga tao. Isa na kami sa kanyang natulungan nang ma-confine ang aking kuya. Dito rin sa aming lugar ay makikita niyo na ang mga barangay hall ay kanyang mga pinapaayos, mga covered court para sa mga bata ang at kung ano-ano pang mga aktibidad. Ngunit may mga tao na nagsasabi na isa siyang kurap na politiko. Nang nagdaang eleksyon din ay marami ang nagsasabi na mamimigay ito ng pera na masasabing vote buying. Ngayon ay ang gulo ng aking isip. Masasabi ba na isa siyang mabuting mamumumo? Sa papaanong paraan kami makakatulong na magkaroon ng Good Governance kung hindi namin alam kung sino ba talaga ang makataong namumuno?