Pagmamahal at Pakikipagkapwa-Tao 3

Pagmamahal at Pakikipagkapwa-Tao 3

Tumatak sa akin ang sinabi ni Francis William Bourdillon na:
Mga mata ng isip ay libo
At iisa ang mata ng puso
Kahit ganun, didilim ang mundo
Kapag pagmamahal ay naglaho
Tila walang kabuluhan ang buhay na mayroon ang tao kung wala ng pagmamahal na dala sa bawat araw na mayroon siya. Dahil sa pagmamahal ang buhay ng tao ay nagkakaroon ng kabuluhan, kaligayahan, pag-asa at natututo tayong irespeto ang ating mga kapwa at magkaroon ng malasakit.
Gaya na lamang sa atin, bilang Kapwa Panday, masasabi kong tunay na pag-ibig ang siyang ating taglay kaya nagagawa natin ng masaya at masigasig ang paglilingkod sa ating mga mahal na panauhin at pamayanan.
Minsan hindi natin namamalayan na ang ating mga gawaing pampamayanan ay halimbawa ng pagmamahal. Makikita sa mga mata ng ating mga Kapwa Panday na masaya at buong sigla parati ang ibinibigay sa bawat aktibidad na nilalahukan natin.
Nariyan ang Clean-up Drive, Brigada Eskwela, Alyansa sa Edukasyon, at mga workshops. Ito ay ilan lamang sa mga gawain natin na nagpapakita ng pagmamahal natin sa ating pamayanan. Magiging magaan ang pagdadala ng buhay kung pagmamahal ang mangingibabaw palagi sa bawat isa.