Pagbati at Pagkilala kay Pandayan

Pagbati at Pagkilala kay Pandayan

Unang araw na ako ay naka uniform, suot-suot ang dilaw na polo shirt at pinatahing khaki pants. Paglabas pa lamang ng bahay ay agad akong binati ng aking kapitbahay. Sambit pa nito “Ay ineng regular ka na?” Sagot ko po ng “Opo hehe” at wika po nito “Congrats ineng. Masaya ako para sa’yo. May regular na trabaho ka na. Malaon makakasama mo na dito anak mo dahil nasa mabuti kang kompanya.”
 
Agad naman po akong nagpasalamat dahil masaya sila para sa kanilang kapitbahay. Dagdag pa nito, “Naku Gie (isa naming kapitbahay) nasa mabuting pangangalaga ‘to ng kompanya.” Ako ay napangiti sa kanilang sinabi dahil lahat iyon ay totoo. Hindi ko pa lamang nasabi kung gaano kabuti ng kompanya pero dahil sa pagkilala nila kay Pandayan alam nilang mabuting kompanya ito. Suki sila sa Pandayan dahil doon bumibili ng mga projects at ibang pangangailan sa paaralan ang kanilang mga anak.
 
Dahil kay Pandayan, unti-unti akong nagkakaroon ng ipon. Dahil kay Pandayan, tuloy-tuloy ang aking pagtulong sa aking ina at sa pangangailangan ng aking anak. Dahil kay Pandayan, nakabili na ng Ticket para sa aking minamahal upang makasama namin sila ngayong darating na December. Sobrang saya ko dahil kay Pandayan binigyan ako ng pagkakataon para makasama ang aking ina at anak ngayong Pasko at sa Bagong Taon. Salamat sa Diyos dahil hindi kami pinababayaan sa pang araw-araw. Biyayang ipinagkaloob sa amin, hindi man agad-agad pero paunti-unti.