Nawala ang Pagod
Isang Panauhin na naghahanap ng organic soil ang nagtanong sa akin kung meron pa dahil nag-iisa na ang display, "Miss, iisa na lang ba ang organic soil niyo?" Sagot ko naman sa panauhin ay “Check ko lang po sa lamanloob namin, Ma’am, at baka mayroon pa po.” Sumang ayon naman ang Panauhin kaya dali-dali kong kinuha ang push cart. Nakita ako ng Panauhin at sabi niya, “Miss, kababae mo ay gumagamit ka ng push cart. Para sa mga lalaki lang iyan. Iutos mo na sa iba mong kasamahan.”
“Okay lang po, Ma’am, kaya ko naman po,” sabay ngiti ang aking tugon. Pagkapunta ko sa bodega ay may nakita akong organic soil na dalawa. Dali-dali kong inilagay sa push cart at dinala sa selling. Pagkakita ni Panauhin ay natuwa siya sa akin. Siyempre ako naman ay gumaan at nawala ang pagod ko dahil nakita kong masaya ang Panauhin kasi kanina habang naghahanap siya ng soil ay seryoso ito. Sinabi rin po sa akin ng Panauhin, “Mukhang pagod at gutom ka, miss. Gusto mo ba ng meryenda? Alam ko kasi ang pagod ng isang empleyado.”
"Ma’am, huwag na po. Maraming salamat po. Okay na po sa amin na bumalik ka po upang muling bumili sa aming mga paninda, Ma’am. Tanggal na po ang pagod namin lalo na at may nabibili kayong mga kailangan ninyo po dito sa Pandayan,” sagot kong nakangiti.
“Ang babait niyo namang mga empleyado ng Pandayan. ‘Wag kayong mag-alala. Hindi ako magsasawang tangkilikin ang inyong mga paninda at ako ay inyong regular customer," sabi naman ng Panauhin.