Nasaang Antas Kayo ng Teamwork?
a. Komunikasyon – Para sa akin ay maganda ang komunikasyon namin sa aming Kawan. Halimbawa ko rito ang pagdadaloy ko ng mga advisory na kailangan agad nilang malaman sa pamamagitan ng Time Out huddle at muling pagpapaalala nito sa aming Messenger group. Binibigyan ko rin ng pagkakataon ang aking ACE, Gabay at Bisig na mag-cascade din ng aming mga napag-usapan.
b. Kooperasyon – Mayroong kooperasyon ang bawat Kapwa sa aming Kawan sa paghahanda ng mga order ng tindahan. Kapag nangangailangan ang isang Tilap namin ay agad na tumutulong ang ibang pwedeng tumulong. Binabalanse ng bawat Tilap ang mga gawain nila upang makatulong sa ibang kasamahan.
c. Koordinasyon – Likas sa aking mga kasama ang pagkakaroon ng koordinasyon sa ibang Kawan o tindahan. Isang halimbawa dito ang pagkuha ng stocks sa Pondohan sa Bayabas. Minsan ay hindi inaasahan ang dami ng stocks na kailangan sa bawat araw. Kapag ang stock ay nasa Pondohan sa Bayabas ay agad silang nakikipag-usap sa Hatid Sundo upang makisuyo na makakuha at mapagpasabay sa truck na naghahakot dito. Malaking tulong ito sa amin upang maibigay ang kailangan ng tindahan.
d. Kathang Sagot sa Suliranin – noong March 27, 2024 ay biglaang umulan noong kami ay pauwi na. Dito ay nagtulong-tulong ang bawat Kapwa sa aming Kawan upang mailigtas ang mga produkto upang hindi ito mabasa. Ang iba naman ay nagpaleta ng mga produkto para pampanigurado lang kung sakaling umulan ulit habang kami ay walang duty ng apat na araw.
e. Kawing-kawing na Katha – sa pamamagitan ng Viber group ay naidadaloy agad sa mga kasamahan sa Central ang mga advisories o kaganapan na kailangan ng lahat. Naipakita ito noong nagkaroon ng sunog sa kalapit na pabrika natin. Ito ang naging paraan ng bawat isa upang kumilos ayon sa sitwasyon.