Nagsisimula sa Sarili

Nagsisimula sa Sarili

Maganda ang naging topic ni Boss JVC para sa TMP kung saan malaki ang maitutulong sa mga mamamayan at sa lipunan na mas magkaroon ng makatao at mabuting pamamahala mula sa gobyerno, kung saan ay mabibigyan ng kaalaman ang mga Pilipino para mas maisulong ang mabuting pamamahala kontra korapsyon. Dahil matindi na ang nangyayaring korapsyon sa atin at parang marami na sa ating mga Pilipino ay tanggap na na nangyayari ito at parang normal na din sa atin. Kaya naman marami sa atin ay naghihirap at walang pag-unlad. Kung lahat ng sektor ng ating bansa ay tutulong para maipakalat ang good governance ay malaki ang magiging tulong nito sa ating lahat lalo na sa kinabukasan ng ating mga kabataan. Sabi nga “Kabataan ang pag-asa ng bayan.” Sobrang laking impact ng korapsyon sa mga tao lalo na sa mga mahihirap na mamamayan. Kailangan magkaroon ng transparency sa mga proyekto na pinapatupad ng ating pamahalaan. Dapat ay may leadership by example din. Nahahalintulad ko ito sa kultura ng Pandayan. Dito ay tinuturuan tayo patungo sa mabuting pakikipagkapwa-tao. Hindi nagtotolerate ng mali bagkus ay tinuturuan tayong maging tapat, piliin ang tama at maayos na serbisyo sa ating mga panauhin. Hindi lamang ito nagsisimula sa mga kawani ng gobyerno o anumang sector ng lipunan bagkus nagsisimula ito sa ating mga sarili upang maipakalat sa lahat ng mamamayang Pilipino. Kung lahat tayo ay magtutulong-tulong upang makamit ito ay malay natin patungo na tayo sa pag-unlad na ating inaasam.


#Samalikha #LakbayDiwa