
Nagsisilbing Halimbawa
Ika-11 ng Nobyembre taon 2024, maaga akong nakarating ng Central para sa oras na pasok ng 9:00 ng umaga. Mga 8:20 a.m. ay narating ko ang Central. Nakita ko na may mga Kapwa na nakapila sa harapan para sa ating every Monday na flag ceremony. Habang binabaybay ko ang malaking gate ng Central ay pinatugtog ang ating pambansang awit.
Noong nagsimula ang pagtugtog nito ay agad kong hininto ang aking motor. Pansamantalang nag-side stand nito at tumayo ng tuwid at inilagay ko ang aking kanang kama’y sa aking kaliwang dibdib. Maya-maya ang mga papasok din sa IRC Compound ay huminto rin at sumabay sa ating pag-awit. Maya-maya muli ay may tao na may dalang 4 wheels ay huminto naman sa aking kaliwa. Hindi sila nagsigalaw hanggang hindi natatapos ang ating pag-awit sa ating pambansang awit.
Ang naging reaksyon ng mga dumadaan sa IRC compound ay pagpapatunay na ang ating kumpanya ay nagsisilbing halimbawa sa pagbibigay galang sa ating bandila at pambansang awit. Bagay na ginagaya ng mga nagtatrabaho rin sa loob ng IRC, maging ng mga supplier na naghihintay sa labas habang ginagawa natin ito.