May Ganito pa Palang Kompanya

May Ganito pa Palang Kompanya

Habang nagpupunas kami ng item sa selling area, nakausap ko si Cyrus bagong probee namin. Tinanong ko siya kung ano na ang mga naging work niya. Galing daw siya sa Dali convenience store. Ang position niya raw doon ay supervisor.
 
Tinanong ko rin kay probee Cyrus kung ano-ano ang mga benepisyo sa kanyang pinasukan na kompanya at kung bakit siya umalis doon. Nakuwento niya na mga basic lang daw ang kanilang mga benefits, gaya ng 15 day leave at HMO. At ang dahilan daw ng kanyang pag-resign ay nalipat siya sa Batangas. Nahirapan daw sya sa biyahe dahil taga-Cavite siya.
 
Kaya naman nakuwento ko sa kanya na galing din ako sa ibang branch at ang pinakamalayo ay Bataan. Nagulat siya nang malaman niya na may housing allowance ang Pandayan. Kaya naman kinuwento ko pa sa kanya ang iba pang mga benefits na binibigay sa amin ni Pandayan gaya ng nakakatanggap kami ng 3 sako ng bigas kada taon.
 
Namangha at nagulat si Cyrus sa mga benefits na binibigay ni Pandayan at ang sabi niya, "May ganito pa palang kompanya! Ngayon ko lang narinig na may gantong mga benefits. Walang-wala pala sa Pandayan ang benefits ng lahat ng napasukan kong kompanya." At dagdag pa nito "Sa orientation ay madami pa siguro akong malalaman sa Pandayan." Ang sagot ko lang sa kanya, "Oo, kaya sipagan mo lang, maganda dito sa Pandayan!"