Matinding UWA
Umabot sa halos dalawang buwan ang pagbibilang at paghahakot ng damaged items ng dalawang warehouse dulot ng Bagyong Carina. Hindi namin matatapos ito kung hindi dahil sa mga Kapwa at Uliran na tumulong sa amin sa pagbibilang. Napagtanto ko na ang kahalagahan sa Pandayan ang salita na “UWA” o Unity, Will, Alignment. Dahil nakikitaan ang bawat isa na nagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisa para sa kabutihan ng kompanya. Buhay na buhay sa kultura ng kompanya ang UWA! Kaya laking pasasalamat namin sa mga Kapwa at Uliran na tumulong at nakiisa sa pagbibilang sa mga damaged items.