Matatag, Ginhawa, at Panatag
Nitong nakaraan ay nagkaroon kami ng LTL, isa sa aking naging report ay ang magbahagi ng aking TPOV mula sa Learning Session ni Boss JVC. Dito ay tinalakay ni Boss ang Banyuhay: Bagong Anyo ng Buhay. Mula sa video recording na aking pinanood, isa sa pinakatumatak sa akin ay ang tungkol sa Banyuhay ng kalagayan ng Pilipino. Sa kalagayan ng ating bansa ngayon at sa pamamalakad ng ating gobyerno, hindi ko lubos maisip na minsan din pala silang nagkaroon ng magandang ambisyon para sa kalagayan nating mga Pilipino. Sinimulan nila ito noong 2015 at binalak na makita ang resulta sa darating na 2040 - ang matatag, maginhawa at panatag na buhay ng bawat Pilipino. Ilang taon na ang nakakalipas ngunit wala pang pag-asensong nakikita. Nakakalungkot isipin na ito ay hanggang pangarap na lamang na mukhang malayong mangyari dahil sa laganap na rin ang korapsyon sa ating gobyerno.
Sa tinalakay ni Boss, dito ko na pagmuni-muni na ang pangarap na ito ng gobyerno para sa mga Pilipino ay ito rin ang pangarap ni Boss para sa ating mga empleyado ng Pandayan. Ang kaibahan lamang ay mula sa aking sariling karanasan sa loob pa lamang ng 6 na taon ko sa Pandayan ang mga pangarap na ito ay hindi malabong mangyari.
Una ang pagiging “Matatag”. Malaki ang naitulong ng Pandayan sa aking buhay at pamumuhay maging sa aking pamilya. Dahil sa Kultura ng Tagumpay na aking natutunan naging matatag ako sa mga bagay-bagay lalo na sa mga problema na aking kinakaharap. Nagkaroon ako ng tiwala sa aking sarili at maging sa akin mga nakakasama.
Pangalawa “Maginhawa”, una pa lamang hindi ko na hinangad ang maranyang pamumuhay. Para sa akin, gusto ko lamang ay magkaroon ng maginhawang buhay, buo ang pamilya at nagkakasundo-sundo kaming lahat at natutustusan namin ang lahat ng aming kailangan. Sa tulong ni Pandayan at sa magandang pasahod at mga benipisyo nito ay nararamdan ko ang maginhawang pamumuhay namin ngayon kumpara dati.
At ang panghuli, “Panatag”. Mula noon hanggang ngayon panatag akong hanggang nandito ako sa Pandayan ay nagagawa ko ng maayos ang aking trabaho. Naniniwala akong hindi ako bibiguin ng Pandayan at patuloy nila akong matutulungan na makamit ang aking mga pangarap.