Masayang Magtrabaho sa Pandayan (2)
Sa aking edad ngayon ay natutuwa ako dahil mayroon akong maayos na trabaho. Hindi lang trabaho ngunit isang regular na trabaho na pwede kong ipagmalaki. Natutuwa at nagagalak ako dahil kung noon ay para lang lagi sa aking sarili ang aking pangarap, ngayon ay para na sa aking pamilya at unti-unti ko itong natutupad kaagapay ang ating kompanya. Malaking tulong ang mga benepisyo na aking natatanggap kasabay ang pagtupad sa aming mga pangarap.
Naibibigay ko ang mga pangangailangan ng aking pamilya kaya naman hindi ako nagsasawang ibigay ang aking mahusay na serbisyo sa mga Panauhin sa ating kompanya. Masaya ako dahil dito ako napapunta sa pamilya ng Pandayan Bookshop. Katulad na lamang ng isang estudyante na bumibili dito at habang nagbabayad siya ay nagtanong siya sa amin kung pwede raw ba ang working student dahil gusto raw niya ditong magtrabaho dahil mukhang masaya dito. Ngunit sinabi namin na kailangan natin ay full time. “Mag-a-apply agad po ako dito pagka-graduate,” wika ng estudyanteng Panauhin. Nakakatuwa na kahit ang mga Panauhin ay napapansin nila na masayang magtrabaho sa Pandayan.
#Samalikha #KuwentongPandayan