Masaya Kaming Buong Pamilya
Maligaya ang aking puso simula naging ASE na ako dahil noon sapat lamang ang aking kinikita. Halos sakto lamang at minsan nakakahiram ako kapag petsa de peligro. Ngayon halos sobra na ang aking nakakamit kaya nabibili ko na ang mga pangangailangan namin. Masayang-masaya ako kapag nakikita ko ang aking mga anak na nabibili nila ang mga gusto nila kaya palagi ko silang sinasama.
Ngayon natanggap ko ang incentive ng SO 2024 pinangako ko sa aking anak na pupunuin namin ang aming ref upang meron silang kakainin kaya nag stock ako ng marami. Nilakihan ko rin ang aming share sa Sarilikha para sa future na aming pangarap na makabili ng bahay at lupa. Mainam na mayroon kaming ipon kaya sinali ko na rin ang aking mga anak sa Sarilikha para hangga’t bata pa sila ay may naiipon na ako para sa pag-aaral nila. Ganito na po pala ang saya bilang Ina kapag masaya ang mga anak natin. Parang tumatalon ang puso sa saya. Ang sarap magtrabaho sa Pandayan!